Nanawagan ang United Nations Children’s Fund o UNICEF para sa mas pinalawak na recovery strategy para sa mga batang naapektuhan ng terorismo sa Marawi City.
Sa isang statement, sinabi ng UNICEF na patuloy na dumarami ang panganib na hinaharap ng mga bata tulad ng mataas na insidente ng malnourishment at kabiguang makabalik sa paaralan.
Ayon sa UNICEF, kinikilala nila ang mga pagsisikap na matulungan ang mga pamilyang nagsilikas mula sa Marawi City.
Gayunman, mangangailangan anila ng komprehensibong hakbang para matutukan, hindi lamang ang kalagayan ng mga bata mula sa Marawi City kundi maging sa mga bata mula sa tatlumpu’t syam (39) na bayan sa Lanao del Sur.
—-