Tiniyak ng Department of Energy o DOE na kanilang ginagawa ang lahat para bahagyang maibsan ang pansanin ng mga nasa sektor ng transportasyon.
Ito ay sa harap ng sunod-sunod na pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo nitong nakalipas na dalawang linggo dahil naman sa mga paggalaw sa pandaigdigang merkado.
Ayon kay Energy Undersecretary Donato Marcos, kabilang sa kanilang hakbang ang pakikipagkasundo sa mga oil companies na patuloy na magbigay ng mga promo at diskuwento para sa mga apektadong tsuper.
Bukod dito, sinabi ni Maros na patuloy din silang nakikipag-ugnayan sa Department of Transportation o DOTr at Department of Finance o DOF para naman sa pagpapalabas ng mga fuel vouchers na nakapaloob sa ipinatutupad na Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
“May commitment na ibinigay ang ating mga kasama sa oil industries na sila ay magbibigay ng minimum of P1 po doon sa mga nasabing sector para ma-address po ito, kasama rin po dito ang tuloy-tuloy na koordinasyon ng DOE sa DOTr at DOF dahil under the TRAIN Law maliwanag na sinasabi na magkakaroon ng fuel voucher for PUVs, automatic appropriations ito kaya may budget poi to para pong magiging subsidy po ito.” Pahayag ni Marcos
(Ratsada Balita Interview)