Tumaas ang pag-asa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas o SBP na makalaro ang NBA star at Fil-Am na si Jordan Clarkson sa ilalim ng bandila ng Pilipinas.
Ito’y makaraang makausap ng mga opisyal ng SBP si Los Angeles Lakers team President Jeanie Buss at Los Angeles Lakers General Manager Mitch Kupchak na kapwa hindi umano tumututol na maging bahagi si clarkson ng Gilas team.
Gayunpaman, hiniling ng mga lakers executives na makausap muna nila ang mga coach ni Clarkson dahil kailangan nang bumalik nito sa setyembre 28 para sa simula ng training camp ng NBA.
Umaasa ang SBP officials na makakalaro si Clarkson hanggang sa second round ng FIBA na magtatapos naman sa setyembre 29.
By: Avee Devierte