Pinamamadali na ng International Committee of Red Cross (ICRC) ang rehabilitasyon ng Marawi City.
Ayon kay Pascal Porchet, head ng ICRC Delegation sa Pilipinas, hindi na maganda ang kondisyon ng nasa 230,000 pang katao na lumikas matapos ang gulong idinulot ng teroristang grupong Maute sa kanilang lugar.
Dagdag ni Porchet, patuloy na naghihirap ang mga residente kaya’t kinakailangan na nang mabilis na pagbangon ng siyudad.
Giit ni Porschet, kinukulang na ang mga ipinamimigay na pagkain sa mga ito at wala ng maraming trabahong inaalok para sana makatustos sa kanilang araw-araw na pangangailangan.
Kasalukuyan umanong umaasa ang maraming evacuees sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan habang ang iba ay hirap ang kalagayan sa mga evacuation centers lalo’t maramin na ang nagkakasakit.
Gayunman, tiniyak ni Porschet na patuloy ang pagtulong ng kanilang hanay sa mga biktima ng Marawi siege.
—-