Nanindigan ang Malacañang na mananatili pa rin ang martial law sa Mindanao.
Matatandaang nanawagan ang ilang Party-list Congressman na bawiin na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang martial law isang taon matapos na pagsiklab ng giyera sa Marawi City.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mahalaga ang pag-iral ng martial law para sa mabilis na rehabilitasyon sa syudad.
Aniya, pinapawi rin nito ang takot ng mga residente sa muling pag-atake ng natitira pang miyembro ng Maute-ISIS.
Siniguro naman ni Roque na agad ding tatanggalin ng Pangulo ang deklarasyon ng batas militar sa oras na matiyak na matatag na ang sitwasyong pang-seguridad sa rehiyon.
—-