Wala pa rin umanong kupas ang lakas ng kanang kamao ni fighting Senator Manny Pacquiao.
Ayon sa trainer nito na si Coach Buboy Fernandez, kanang kamao ni Pacquiao ang susi para tagumpay na tapusin ang laban kay Lucas Matthysse sa Hulyo.
Ito’y kahit kilala umano bilang southpaw o kaliweteng boksingero si Pacman.
Gayunman sinabi ni Fernandez na kasalukuyang pinag-aaralan pa kung papaanong mas magiging epektibo ang paggamit ni Pacquiao sa kanyang kanang kamao upang patumbahin si Matthysse.
—-