Isinusulong ni Vice President Jejomar Binay ang pagkakaroon ng hiwalay na Department of Transportation na siyang mangangasiwa sa transport-related issues partikular sa trapiko.
Ayon kay Binay, ang salitang communications sa DOTC ay dapat tanggalin.
Mas mainam aniya kung magkakaroon ng ibang departamento para rito.
Nauna nang nagpahayag ng suporta si VP Binay sa paglikha ng Department for Information and Communications Technology.
By: Meann Tanbio