I-aapela ng kampo ni Sister Patricia Fox sa Department of Justice o DOJ ang kautusan ng Bureau of Immgration o BI na paalisin na ang Australyanong madre sa bansa.
Ayon kay Atty. Jobert Pahilga, isa sa mga counsel ni Sister Fox, magiging ‘final’ at ‘executory’ lamang ang pagkansela sa visa ng isang indibiduwal matapos ang labinlimang (15) araw mula nang padalhan ito ng ‘notice’ dahil kailangan pang maghain ng motion for reconsideration.
Iginiit din ni Pahilga, na walang legal na basehan na sumali si Sister Fox sa mga political activities sa kabila ng mga lumabas na larawan nito na nasa pagtitipon.
Sister Fox pinapag-alsa balutan na ng Immigration hanggang bukas
Pinapag-alsa balutan na ng Bureau of Immigration o BI si Australian missionary Sister Patricia Fox.
Ayon sa Bureau of Immigration, final at executory na ang kanilang desisyon na kanselahin ang missionary visa ni Sister Fox at magtatapos na ng Mayo 25 ang tatlumpung (30) araw na palugit na ibinigay sa kanya para umalis ng bansa.
Iginiit ng Bureau of Immigration na lumampas si Sister Fox sa mga pinapayagang aktibidad na dapat niyang lahukan sa ilalim ng kanyang missionary visa.
Ang kanselasyon ng missionary visa ni Sister Fox ay hiwalay sa kinakaharap niyang deportation case.
Len Aguirre