Nasa bansa na ang mahigit limandaang (500) Pilipino na ipina-deport ng Malaysia.
Dumating sa Zamboanga City ang mga deportees sakay ng isang commercial vessel kung saan sinalubong sila ng isang team mula sa Department of Health o DOH para isailalim sa pagsusuring medikal.
Karamihan sa kanila ay nakulong sa Malaysia dahil sa kakulangan ng legal na dokumento para manatili at magtrabaho sa naturang bansa.
Samantala, mahigit pa sa dalawandaang (200) OFWs mula sa Kuwait ang nakatakdang dumating bago matapos ang linggong ito.
Napag-alaman kay Labor Secretary Silvestre Bello III na kabilang ng mga ito sa may 600 OFWs na nasa embassy shelters.
Marami aniya sa kanila ay may kasong kinakaharap o kaya naman ay nagsampa ng kaso laban sa kanilang employers.
—-