Hindi lalampas ng piso ang itinaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ngayong linggo lamang.
Ayon kay Undersecretary Ruth Castelo ng Department of Trade and Industry o DTI, kasama sa kanilang komputasyon ang pinakahuling pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at epekto pa rin ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Sinabi ni Castelo na umabot sa tatlumpu’t tatlong (33) porsyento ang itinaas ng distribution cost o pagdadala ng produkto sa merkado dahil sa mataas na presyo ng petrolyo.
Ang mataas aniyang distribution cost ay mangangahulugan ng limang porsyentong dagdag sa presyo ng isang produkto.
Idagdag pa aniya rito ang mataas na presyo ng raw materials sa international market.
Ipinaliwanag ni Castelo na apat (P0.04) hanggang bente singko (P025) sentimos lamang ang nadagdag sa presyo ng pangunahing bilihin kung ibabatay lamang sa TRAIN Law.
—-