Hinimok ng National Citizens’ Movement for Free Elections o NAMFREL ang Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga sa Commission on Elections (COMELEC) ng mga commissioner na may kaalaman sa information technology o project management.
Sa gitna na rin ito nang paghahanda ng COMELEC sa 2019 midterm elections.
Ayon kay NAMFREL President Eric Alvia mas mapapabuti ng mga taong may karanasan sa IT o project management ang implementasyon ng mga proyekto kaugnay ng automated election system at conduct of elections.
Hindi naman aniya kinakailangang abogado ang mga sunod na itatalaga sa COMELEC gaya ng dalawa pang bakanteng posisyon sa komisyon.
—-