Muling umapela ang Volunteers Against Crime and Corruption o VACC kay Pangulong Rodrigo Dutete na buhayin muli ang usapin kaugnay sa death penalty.
Ayon sa kay VACC President Cory Quirino, dapat ibalik ang parusang kamatayan dahil nagiging talamak muli ang patayan sa bansa.
Giit pa ni Quirino, ang dapat na parusa sa isang taong kumitil ng buhay ng kaniyang kapwa ay maging katumbas ng kaniyang krimeng ginawa.
Naniniwala naman si Boy Evangelista ng VACC na kung sakaling maibalik ang parusang bitay ay dapat ipakita sa publiko ang paraan ng pagpataw nito upang magsilbi aniyang babala.
Magugunitang nabuwag ang death penalty sa bansa sa pamamagitan ng lethal injection noong 2006.
—-