Ikinukunsidera ng Philippine National Police o PNP na bumuo ng task force na tututok sa pagsugpo ng mga motorcycle criminals at gun-for-hire groups.
Kasunod ito nang nangyayaring serye ng mga patayan na kinasasangkutan ng mga suspek na naka-motorsiklo.
Ayon kay PNP Spokesperson Chief Superintendent John Bulalacao, isa ito sa nakikita nilang epektibong paraan para labanan at matigil na ang mga nasabing insidente.
Gayunman, nilinaw ni Bulalacao na mayroon nang ginagawang hakbang ang PNP ukol dito kung saan naglagay na sila ng maraming checkpoints at nagkasa ng iba’t ibang oplan.
—-