Nanindigan si Solicitor General Jose Calida na wala siyang nilalabag na batas kaugnay sa nakuhang 40 million pesos contract sa National Parks Development Committee o NPDC ng kaniyang security agency.
Ito’y matapos mapa-ulat na ang security agency ni Calida na Vigilant Investigative and Security Agency o VISAI ang nakakuha sa kontrata para sa pagbabantay sa Luneta at Paco Park na nasa ilalim ng pangangasiwa ng NPDC.
Ayon kay Calida, dumaan sa bidding process ang naturang kontrata.
Giit pa nito, hindi siya ang direktang nangangasiwa sa kanilang security agency kung hindi ang kaniyang misis na si Milagros.
Binigyang diin din ni Calida na hindi siya opisyal ng VISAI kaya’t hindi sakop ng isyu ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials.