Bukas na ang aplikasyon ng Judicial and Bar Council o JBC para sa nabakante nitong posisyon sa Court of Appeals.
Partikular sa nabakanteng posisyon ay ang CA Associate Justice matapos italaga noong May 3 si Justice Socorro bilang commissioner ng Commission on Elections.
Bukod dito, inanunsyo rin ng JBC na tatanggap na rin sila ng aplikasyon para sa 42 hukom sa National Capital Judicial Region.
Mayroong hanggang July 10 ang mga nagnanais magsumite ng kanilang aplikasyon para sa mga nabanggit na posisyon.