Asahan na sa mga susunod na araw ang panibagong dagdag presyo sa mga produktong petrolyo.
Ito’y sa gitna ng mainit na debate kung sususpendihin o hindi ang implementasyon ng excise tax sa langis na isa sa mga probisyon ng TRAIN Law.
Batay sa mga source mula sa Department of Energy o DOE, maglalaro sa singkwenta’y singko (P0.55) hanggang sisenta’y singko sentimos (P0.65) ang dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Trenta (P0.30) hanggang kwarenta sentimos (P0.40) sa kada litro ng diesel at trenta (P0.30) hanggang kwarenta sentimos(P0.40) sa kada litro ng kerosene.
Ito na ang ikatlong sunod na linggong magpapatupad ng price increase sa kanilang mga produkto ang mga oil company ngayon lamang buwan ng Mayo.
—-