Ginugunita ngayong araw May 28, ang ika-120 taong pagdiriwang ng “National Flag Day” o Araw ng Watawat.
Unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas matapos matalo ng Philippine Revolutionary Army ang Spanish Forces sa Battle of Alapan sa Imus Cavite noong 1898.
Taong 1994 nang inilabas ang Executive Order No.179, na nagpapalawig sa panahon ng pagdiriwang ng National Flag Day mula May 28 hanggang June 12 o Araw ng Kalayaan.
Kasabay nito, hinihimok ang mga Pilipino na maglagay ng watawat ng Pilipinas sa lahat ng tanggapan ng gobyerno, mga business establishment, paaralan, pribadong mga tahanan at maging sa mga sasakyan.
—-