Nakiisa na si Vice President Leni Robredo sa panawagan na suspindehin na ang pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law.
Ayon kay Robredo, nuong ipinanukala palamang ang naturang batas ay nagbigay ng assurance ang hindi ito magdudulot ng napakalaking paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin at maging ng inflation rate ngunit iba ang sitwasyon ngayon.
Aniya, kahit saan magpunta ay iniinda na ng mga mamamayan ang mataas na bilihin kung saan karamihan pa nga ay natatakot na hindi na makakain ng tatlong beses isang araw.
Naniniwala si Robredo na makabubuti kung sususpinedhin muna ang TRAIN Law at muling pag aralan ang pagpapatupad nito.