Nais ipasuri ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga workout at energy drinks sa merkado.
Ito’y matapos patawan ng 18 buwang suspensyon ng FIBA ang Pba Player na si Kiefer Ravena makaraang magpositibo tatlong substance.
Ang mga nakitang substance kay Ravena ay ipinagbabawal ng world anti doping agency (WADA).
Ayon kay FDA Director Nela Charade Puno, dahil sa insidenteng ito na kinasangkutan ni Ravena, dapat aniyang mapag-aralan muli ang mga sangkap ng mga workout drinks upang maprotektahan ang kalusugan ng publiko
Magugunitang sinabi ni Ravena, na nagpositibo siya sa test dahil umano sa kaniyang ininom na pre-workout drink.
Umaasa naman ang FDA na makikipag tulungan sa kanila si Ravena upang matukoy ang naturang inumin.