Nagpaabot ng pakikiramay ang pamahalaan ng Pilipinas sa Belgium matapos ang hinihinalang terror attack na ikinasawi ng dalawang (2) pulis, isang sibilyan at ng mismong suspek.
Sa isang statement, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na nakikiisa sila sa laban ng Belgium sa terorismo at walang saysay na pagpatay.
Ayon kay Cayetano, kinumpirma na ng Philippine Embassy sa Brussels na walang nadamay na Pilipino sa paghahasik ng lagim ng suspek.
Matatandaang patay ang dalawang pulis at isang sibilyan sa pamamaril sa Belgium.
Ayon sa ulat, nang-hostage ang muna ang suspek bago ito makipagbarilan sa pulis.
Maliban sa mga nasawi, sugatan din sa insidente ang apat pang pulis.
Sa ngayon, hindi pa malinaw kung ano ang motibo ng suspek ngunit hinihinalang uri ito ng terorismo.
Ralph Obina