Sisikapin ng Senado na maaprubahan ang panukalang Bangsamoro Basic Law ngayong huling araw ng kanilang sesyon.
Ito ang inihayag ni Senate President Vicento Sotto III matapos na rin ito sertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Oras aniya na matapos ang period of amendments sa BBL, agad na aaprubahan ito sa second reading na susundan naman ng pag-apruba sa ikatlo at pinal na pagbasa.
Sa ngayon, hindi pa natatapos ang period of amendments sa BBL bagama’t inabot na hanggang kaninang ala-1:00 ng madaling araw ang sesyon ng Senado.
Ayon kay Sub-committee on the BBL Chairman Migz Zubiri, halos kalahati pa lamang sila sa period of amendments dahil marami pang panukalang babaguhin ang ilang senador tulad nina Minority Floor Leader Franklin Drilon at Senate President Pro Tempore Ralph Recto.
—-