Pinag iingat ng DFA ang mga Pilipinong nakabase sa Nicaragua.
Sa gitna na rin ito nang umiinit na tensyon sa pagitan ng gobyerno ng Nicaragua at mga estudyanteng demonstrador na naggigiit sa resignation ng Pangulo nilang si Daniel Ortega at may bahay nitong si Vice President Rosario Murillo.
Ayon sa mga OFW nagpalabas na ng advisory ang embahada ng bansa para makapag ingat sila at umiwas sa mga demonstrasyon.
Pinagbawalan din anila silang mag post ng mga larawan at video sa social media hinggil sa nasabing sigalot.
Apektado sa kanilang pagpasok sa trabaho ang mga Pinoy at mismong nationals ng Nicaragua dahil marami ang nagsasamantala sa sitwasyon kung saan pumapasok ng bahay ang mga ito, naninira at nagnanakaw.