Sinibak na sa puwesto ang sampung miyembro ng Bulacan Provincial Police Office na kinasuhan ng kidnapping, robbery at graft dahil sa iligal umanong pag-aresto at pangingikil sa ilang indibidwal kapalit ng kanilang kalayaan.
Kinilala ang mga nasabing pulis na sina Senior Insp. Wilfredo Dizon Jr; SPO4 Gary Santos; SPO2 Christopher Aragon; Senior police Officers 1 Dante Castillo, Jophey Cucal at Rolando Ignacio Jr; PO3 Dennis de Vera; Police Officers 2 Rosauro Enrile, Nicanor Bautista at Chester Say-Eo pawang nagmula sa San Rafael Municipal Police.
Ayon kay Bulacan Provincial Director, Senior Supt. Chito Bersaluna, humingi ng P50,000 ang sampung pulis batay sa salaysay ng isa sa mga biktima na inaresto dahil umano sa pagbebenta ng smuggled na sigarilyo.
Samantala, ni-relieve na rin sa tungkulin si Supt. Rizalino Andaya, hepe ng San Rafael Municipal Police dahil sa command responsibility.