Hindi obligado si Solicitor-General Jose Calida na bitawan ang kanyang share sa kanilang family business sa pagpasok nito sa gobyerno dahil hindi naman siya miyembro ng gabinete.
Ito ang inihayag ni Senator Koko Pimentel sa gitna ng mga batikos na may conflict of interest sa kaso ni Calida dahil nananatili ang 60 percent share nito sa securtiy agency ng kanilang pamilya na nakakukuha ng kontrata sa gobyerno.
Gayunman, dapat lamang anya hindi na kabilang si Calida sa nangangasiwa sa security agency ng kanilang pamilya.
Samantala, nilinaw naman ni Pimentel na ibang usapin na anya kung ginamit ni Calida ang kanyang impluwensya para makuha ang mga kontrata sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.