Sumiklab ang tensyon sa Veterans Federation of the Philippines makaraang i-protesta ng mga personnel mula sa Department of National Defense ang appointment ni retired Col. Bonifacio de Gracia bilang president ng VFP.
Pinangunahan ang protesta ni DND Undersecretary Ernesto Carolina, na nagdala ng official letter na nag-uutos kay De Gracia na bakantehin ang kanyang pwesto lalo’t idineklarang iligal ang eleksyon ng bagong VFP board noong Disyembre.
Ayon kay Carolina, walang approval mula sa kagawaran ang eleksyon at hindi sumunod sa election rules and regulations.
Hindi rin anya naka-boto ang ilang VFP Members dahil isinagawa ang halalan sa Cebu.
Gayunman, iginiit ng abogado ni De Gracia na walang kapangyarihan si Defense Secretary Delfin Lorenzana na ideklarang null and void ang nasabing eleksyon at magtalaga ng panibagong Pangulo alinsunod sa VFP charter.