Tuloy pa rin ang pagdinig ng Sandiganbayan sa kasong pluner o pandarambong laban kay dating Immigration Deputy Commissioner Al Argosino.
Ito’y makaraang ibasura ng anti-graft court ang inihaing mosyon ni Argosino na ipawalang bisa ang isinampang kasong plunder laban sa kaniya.
Batay sa 13 pahinang resolusyong inilabas ng 6th Division ng Sandiganbayan, malinaw na isinampang information ng Ombudsman na dapat litisin ang kaso laban kay Argosino.
Nag-ugat ito sa umano’y pagtanggap nila Argosino at Michael Robles ng 50 Milyong Pisong suhol mula sa gambling tycoon na si Jack Lam.
Dagdag pa ng anti-graft court, malinaw din anila ang alegasyon kay Argosino na tumanggap ng paunang 20 Milyong Piso at isa pang 30 Milyong Piso mula sa middle man ni Lam na si Wally Sombero.