Tiwala ang malakaniyang sa palabra de honor ng magkakapatid na tulfo at ibabalik nito ang mahigit 60 Milyong Pisong pondo na nakuha nila mula sa pamahalaan.
Ito’y kasunod na rin ng pahayag ng abogado ni dating Tourism Secretary Wanda Teo na si Atty. Ferdinand Topacio na ibabalik ng kapatid ni Teo na si Ben Tulfo ang naturang halaga na ibinayad sa kaniya sa ad placement ng DOT sa mga programa nito sa state run television network na PTV 4.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, umaasa silang tutupad ang kampo ng Mga tulfo sa kanilang Pangako na ibabalik sa pamahalaan ang nasabing halaga ng pondo.
Magugunitang kinuwesyon ng Commission on Audit ang pinasok na kontrata ng Tourism Department sa naturang programa dahil umano sa kawalan ng kaukulang dokumento na susuporta sa naturang hakbang.