Naghain ang partylist group na Trade Union Congress of the Philippines o TUCP ng panukalang batas na humihirit ng 320 across the board increase para minimum wage sa mga manggagawa sa buong bansa.
Sa inihaing panukalang batas ni TUCP Representative Raymond Mendoza, hiniling ng grupo na maging 576 hanggang 832 ang minimum wage kada araw sa iba’t ibang bahagi bansa upang matulungan ang mga manggagawa na makaagapay sa sunod-sunod na pagtataas ng mga bilihin.
Ang hirit na 320 pesos na dagdag suweldo ay sakop ang mga manggagawa sa pribadong sektor anuman ang employment status at position nito sa kumpanya.
Bago ito, naghain na rin ang Makabayan Bloc na gawing 750 pesos ang minimum wage lahat ng manggagawa sa buong bansa.
—-