Naitala ang taas presyo sa karne ng baboy, manok at iba pang bilihin sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Sa Tandang Sora Market, nasa sampu (P10) hanggang dalawampung piso (P20) ang itinaas ng porkchop, liempo at pige ng baboy.
Gayundin ang naitalang paggalaw sa presyo ng manok at ilang mga klase ng isda.
Naitala rin ang sampung pisong (P10) taas presyo sa puting asukal.
Isinisi ng ilang nagtitinda ang paggalaw ng presyo sa pagmamahal ng petrolyo at mainit na panahon.
Ngunit para sa Department of Agriculture, ang mga mapagsamantalang middle man ang siyang maaaring sisihin sa pagtataas sa mga ilang pangunahing bilihin.
Dahil dito, nakipagpulong na aniya sila sa mga stakeholder kaugnay sa ilalabas na suggested retail price sa mga agricultural products.
—-