Handang-handa na ang Gilas Pilipinas para sa 2015 FIBA Asia Championship ngayong buwan.
Una ng nakasungkit ng silver medal ang Pilipinas sa katatapos lamang na 37th William Jones Cup sa Taiwan matapos tambakan ang host country na Chinese Taipei sa score 96-67, kahapon.
Gayunman, sasabak muna sa MVP Cup ang Gilas sa Setyembre 11 hanggang 13 kung saan makakalaban ang Wellington Saints ng New Zealand at Taiwan National Team na kapwa natalo sa Jones Cup.
Lalarga ang FIBA Asia Championship simula Setyembre 23 hanggang Oktubre 3 sa Changsa, China.
By Drew Nacino