Namahagi ng siyamnaraang (900) units ng electric tricycle o e-trikes ang Department of Energy o DOE sa apat na pamahalaang panlungsod sa Metro Manila.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, isandaang (100) e-trikes ay kanilang ipagkakaloob sa Las Piñas, isandaan at limampu (150) sa Muntinlupa, apatnaraan (400) sa Pateros at dalawandaan at limampung (250) e-trikes naman ang mapupunta sa Valenzuela.
Layon nitong mahikayat ang publiko na gumamit ng modernong transportasyon sa pamamagitan ng energy-efficient na teknolohiya at maiwasan na ang paggamit ng langis.
Matatandaang Enero nang magbigay din ang DOE ng dalawandaang (200) e-trikes sa Marawi City.
—-