Tuloy na ang nakatakdang pulong sa pagitan nina US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong Un matapos makansela noong nakaraang linggo.
Ito ang inanunsyo mismo ni Trump kasunod ng naging pag-uusap nila ni North Korean Senior Envoy General Kim Yom-Chol sa White House.
Ayon kay Trump, isasagawa ang Summit sa Singapore sa Hunyo 12.
Dagdag ni Trump, nabanggit din aniya ng North Korea na nakahanda itong mag-denuclearize.
Samantala, wala pang kumpirmasyon ang balita sa panig naman ng North Korea sa usapin.
—-