Muling magtatanghal sa Pilipinas ang KPOP boy band na Super Junior.
Idaraos ang concert ng grupo sa Mall of Asia sa Pasay City sa katapusan ng buwan o June 30 bilang bahagi ng kanilang international show na “Super Show 7”.
Mabibili ang tickets para sa nasabing concert simula bukas June 3, mula 10:00 ng umaga sa lahat ng SM tickets outlets.
Nagkakahalaga ang tickets mula 12, 500 pesos para sa VIP seat habang nasa 2, 500 pesos naman ang general patronage.
Limang taon ang nakaraan nang mag-concert ang Super Junior sa Pilipinas para sa kanilang “Super Show 5”.