Posibleng maglunsad din ng missile attacks ang mga rebeldeng Houthi ng Yemen sa United Arab Emirates.
Ito ang babala ni Houthi Rebel Movement Spokesman, Brig. Gen. Sharaf Ghaleb Loqman matapos nilang makubkob ang port city ng hudaida sa yemen na may mahalagang papel sa kanilang pakikipaglaban sa Saudi-coalition forces.
Ayon kay Loqman, kung tutuusin ay hindi na ligtas sa kanilang mga missile ang Dubai at Abu Dhabi sa UAE kung magpapatuloy ang pag-atake ng Saudi-coalition forces sa kanilang mga balwarte sa Yemen.
Disyembre nang itanggi ng Emirati Government ang ulat na nagpawakal ng cruise missile ang mga rebelde patungo sa airspace ng kanilang bansa.
Gayunman, ipinagmalaki ni Loqman na may kakayahan na silang puntiryahin ang isang malayong target dahil sa kanilang makabagong missile technology.