Naniniwala si ACT Teacher’s Party-list Representative Antonio Tinio na muling kakaharapin ng mga estudyante ang mga dati nang problema sa pagbubukas ng klase sa Lunes, Hunyo 4.
Sinabi ni Tinio na asahan na ng mga estudyante na magbabalik eskwela bukas ang mga dati nang problema tulad ng kakulangan sa mga guro at classrooms.
Giit ni Tinio, ang kawalan ng sapat na classrooms ang dahilan kaya’t halos dumoble na ang bilang ng mga estudyante sa isang silid-aralan.
Base aniya sa talaan ng Department of Education o DepEd, sa buong Metro Manila pa lamang, aabot na sa 18,000 classrooms ang kailangang mapunan ng pamahalaan.