Umabot sa mahigit 27 milyon ang bilang ng mga estudyante mula Kindergarten hanggang Grade 12 ang nagbalik-klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan ngayong unang araw ng schoolyear 2018-2019.
Gaya ng dati, ang kakulangan pa rin sa mga classroom ang kadalasang problema tuwing unang araw ng klase.
Batay sa datos ng Department of Education sa Metro manila pa lamang, may kakulangan ng 18,000 silid-aralan kaya’t nagsisiksikan ang nasa limampu hanggang 60 mag-aaral.
Samantala, bagaman mapayapa ang unang araw ng pagbabalik eskuwela, binalaan naman ni PNP Chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde ang mga estudyante laban sa mga petty crime tulad ng snatching.