Tinatayang aabot sa 3.8 million na mga bata at kabataang Filipino sa buong bansa ang hindi nakatuntong sa pag-aaral mula elementarya hanggang kolehiyo.
Batay sa 2016 Annual Poverty Indicators Survey, sinabi ni Senador Sonny Angara na isa sa bawat Filipino na may edad anim hanggang 24 ang hindi pumapasok sa eskuwelahan.
Ayon kay Angara, 87 porsyento nito ay dapat nasa kolehiyo na, walong porsyento ang dapat nag-aaral sa high school at limang porsyento ang nasa elementarya.
Sinabi naman ng Senador na walang dahilan para hindi mag-aral ang mga bata dahil matagal nang libre ang pag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa elementarya at high school habang free tuition na rin ang mga state universities ang colleges (SUCs) sa buong bansa.
—-