Tatlong araw mawawalan ng suplay ng tubig ang malaking bahagi ng lalawigan ng Cavite gayundin sa mga lungsod ng Muntinlupa, Parañaque at Las Piñas simula Bukas, Miyerkules, ika-anim ng buwang kasalukuyan.
Ito’y ayon sa Maynilad Water ay dahil sa kanilang ikokonekta ang Putatan Water Treatment Facility sa bahagi ng Putatan, Muntinlupa sa katabi nitong pasilidad, di kalayuan sa lugar.
Partikular na mawawalan ng suplay ng tubig ang bahagi ng Cavite City, Bacoor, Noveleta, Rosario, at Imus mula alas 11:00 ng umaga bukas hanggang ala – 5:00 ng umaga ng Biyernes.
Gayundin sa mga Barangay Almanza Uno at Dos, Pamplona Uno hanggang Tres, Pilar Pulang Lupa Dos, Talon Uno hanggang singko sa Las PIñas.
Maging sa mga Barangay Alabang, Bayanan, Buli, Cupang, Poblacion, Putatan, Sucat at Tunasan sa Muntinlupa at BF Homes, Don Bosco, Marcelo Green Village, San Antonio at SAN Martin de Porres sa Parañaque.
Dahil dito, hinihikayat ng maynilad ang lahat ng residente sa nabanggit na mga lugar na bumisita lamang sa kanilang website: www.mayniladwater.com.ph o di kaya’y tumawag sa kanilang hotline na 1626.