Hindi bababa sa pito ang nasawi habang nasa dalawampu ang sugatan sa pagsabog sa isang pagtitipon ng mga matataas na religious leaders sa Kabul Afghanistan.
Ayon sa tagapagsalita ng Afghanistan Interior Ministry, kabilang sa nasawi ang isang pulis.
Batay sa ulat, papatapos na ang pagtitipon ng nasa dalawang libong (2,000) miyembro ng Afghan Ulema Religious Council sa 5th District ng Kabul nang biglang magpasabog ang isang suicide bomber malapit sa compound.
Matapos naman ng pag-atake agad nagpalabas ng fatwa o Islamic ruling ang mga religious leaders at idineklarang haram o ipinagbabawal sa ilalim ng Islamic Law ang pagsasagawa ng suicide attacks.
—-