May panawagan ang grupong Volunteers Against Crime and Corruption o VACC kaugnay panibagong pagpatay sa isang special prosecutor sa Quezon City.
Ayon kay VACC Board Member Arsenio ‘Boy’ Evangelista, dapat mabilis na kumilos na ang pamunuan ng Philippine National Police o PNP upang matigil ang patayan.
Partikular na pinaaaksyunan ng grupo ay ang gun for hire group na nambibiktima sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
“Ang creation ng special task force na walang ibang tututukan kundi itong gun for hire syndicate, it is now a growing industry na kulang na lang i-rehistro nila, left and right nangyayari, ito ay nationwide, hindi naman drug related ito.” Ani Evangelista
Napapanahon na rin aniya na bigyan ng hazzard pay at 24-oras na seguridad ang mga prosecutor para magawa nila ang kanilang trabaho nang buong laya at walang takot.
“Para makapag-function silang mabuti kasi hindi naman isa, dalawa, tatlo ito, ang alam ko po pang-pito po ‘yan, pang-pito in recent months.” Pahayag ni Evangelista
(Ratsada Balita Interview)