Nanawagan si Interior Secretary Eduardo Año sa mga telecom company na magbigay ng maayos na serbisyo para sa 911 hotline.
Ayon kay Año, dapat tiyakin ng mga telco na hindi mapuputol ang tawag ng mga 911 caller.
Bilang kalihim ng Department of Interior and LOCAL government, año ang magiging hepe ng 911 emergency commission.
Hinikayat naman ng D.I.L.G. Secretary ang lahat ng lokal na pamahalaan na i-connect na ang kanilang system sa 911.
Noon lamang Mayo 25, nilagagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order 56 na nagtatag sa 911 bilang nationwide emergency hotline.