Nilinaw ng Malakanyang na nananatiling board member ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) si Celestina Maria Jude Dela Serna.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tinanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte si Dela Serna bilang officer-in-charge lamang at hindi bilang miyembro ng board of directors ng PHILHEALTH.
Batay sa official website ng PHILHEALTH, board member pa rin si Dela Serna na kumakatawan sa sektor ng mga Filipino Overseas Worker.
Kahapon ay dumalo si Dela Serna sa panunumpa ng bagong acting president ng PHILHEALTH na humalili sa kanya sa pwesto.