Umaasa si Department of Budget and Management o DBM Secretary Benjamin Diokno na magbabago ang isip ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaubaya na lamang sa Kongreso ang kahihinatnan ng mga panawagang isuspinde ang Tax Reform and Inclusion o TRAIN Law.
Ayon kay Diokno, tinatalakay na ang issue nina Pangulong Duterte, Finance Secretary Sonny Dominguez at NEDA Director General Ernesto Pernia.
Kumpiyansa si Secretary Diokno na sa bagong impormasyong ilalatag ng dalawang kapwa cabinet members sa Pangulo hinggil sa TRAIN Law ay mapapagtanto nito na hindi dapat suspindehin ang nasabing batas.
Binigyang diin ng kalihim na kung may epektong nararamdaman ang publiko sa TRAIN Law ay maliit lang aniya ito.
Iginiit ni Diokno na hindi dapat suspendehin ang TRAIN Law dahil kailangan ito sa build, build, build project lalo’t naiiwan na ang Pilipinas sa mga kalapit bansa sa Asya pagdating sa infrastructure project.
—-