Binigyan ng Korte Suprema ng limang araw si Solicitor General Jose Calida para sagutin ang apela ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno kaugnay sa pagpapatalsik sa kanya sa pamamagitan ng inihain nitong Quo Warranto Petition.
Kasunod ito ng isinagawang En Banc Session ng Korte Suprema kahapon, isang linggo matapos maghain ng Motion for Reconsideration ang kampo ng punong mahistrado.
Una nang iginiit ni Sereno na walang bisa ang pagpapatalsik sa kanya dahil hindi dapat ang Korte Suprema kung hindi ang Senado na tatayong impeachment court ang duminig sa kanyang kaso.
A – onse ng Mayo ngayong taon nang katigan ng Korte Suprema sa botong 8 – 6 , ang pagkwestyon ni Calida sa bisa ng appointment ni Sereno dahil sa Hindi nito pagsusumite ng kumpletong Statements of Assets , Liabilities and Networth (SALN).