Inaasahang ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA na magiging normal na ang lebel ng tubig sa mga dam pagpasok ng panahon ng tag-ulan.
Ito ay matapos na kapusin ang suplay ng tubig mula sa mga dam dahil sa tag-init.
Sinabi ni PAGASA Hydrologist Danilo Flores, maaaring maging normal ang lebel ng tubig sa mga dam depende sa tagal ng pagbuhos ng ulan lalo na ng habagat.
Samantala, hindi pa pormal na inaanusyo ng PAGASA ang panahon ng tag-ulan, subalit may isa hanggang dalawang bagyo na inaasahang tatama sa bansa ngayong buwan ng Hunyo.
—-