Nais na ipabuhay ng Department of Interior and Local Government o DILG sa mga lokal na pamahalaan sa buong bansa ang kani-kanilang price coordinating council.
Sa panayam ng DWIZ, ipinaliwanag ni DILG Undersecretary Epimaco Densing III na ito ay para mahigpit na bantayan ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
Giit ni Densing, may mga negosyanteng sinasamantala nang husto ang sitwasyon para makapagtaas ng presyo sa mga bilihin kayat nasisisi tuloy ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law na pinatutupad ng pamahalaan.
“Tumaas po ang ibang presyo ng bilihin dahil sa pagpapataw ng ekstrang buwis, tinake-advantage ng mga negosyante na o sige may buwis na tataasan, taasan na rin natin ang presyo natin, so kahit walang kinalaman ang kanilang produkto sa pagtaas ng presyo ng langis halimbaw a ay pinapataw pa rin nila ‘yung taas presyo, ‘yan ang dapat na bantayan natin ngayon.” Pahayag ni Densing
(Ratsada Balita Interview)