Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga kritiko na maglabas ng petisyon kaugnay sa kanyang paghalik sa isang O.F.W. sa South Korea.
Ayon kay Pangulong Duterte, handa siyang magbitiw sa puwesto kung maraming lalagda sa petisyon na kanyang iminumungkahing ilabas ng kanyang mga kritiko.
Anya, ipauubaya na niya sa hanay ng kababaihan ang pagpapakalat ng petisyon at kung sakaling makakalap ng maraming lagda, magbibitiw siya sa pwesto.
Maaari rin anyang tanungin ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sarah Duterte-Carpio kung nasaktan ba ito sa eksena.
Una ng inihayag ng punong ehekutibo na hindi issue ang nasabing kontrobersiya sa mga taong nakakikilala sa kanya partikular sa mga taga-Davao gayong karaniwang eksena lang ang kanyang pagyakap at paghalik na kanyang ginagawa kahit sa mga maysakit bilang pagbibigay importansiya sa kababaihan.