Nilinaw ng National Economic Development Authority o NEDA na hypothetical lamang ang P10,000 kada buwan na budget upang maging sapat para mabuhay ang isang pamilyang mayroong limang miyembro.
Ito’y makaraang lumikha ng samu’t saring batikos at puna ang naging pahayag ni Undersecretary Rosemarie Edillon na sapat na umano ang nasabing halaga ng suweldo kada buwan para makapamuhay ng disente ang isang pamilyang Pilipino.
Paliwanag ng NEDA, ibinatay nila ang naturang halaga ng suweldo sa consumer price index ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2015 kung saan, hindi pa kabilang dito ang posibleng halaga ng gastusin ng bawat pamilyang Pilipino ngayong pinaiiral na ang bagong Tax Reform Law.
Binigyang diin ng NEDA na nais lamang nilang ipakita kung paano mabubuhay ang isang pamilya na kumikita ng minimum wage sa gitna na rin ng kasalukuyang inflation rate.
—-