Inilatag ng bagong talagang chairman ng SEC o Securities and Exchange Commission ang kanyang mga prayoridad sa tanggapan.
Ayon kay SEC Chairman Emilio Aquino, uunahin niyang ipatupad ang Ease of Doing Business Act na bago pa lamang nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Marami pa aniyang dapat ayusin sa SEC lalo na sa kanilang online business registration upang mapabilis at ang transaksyon matanggal ang red tape.
Sinabi ni Aquino na pag-aaralan rin niya kung paano mapo-protektahan ang mga investors sa virtual currencies.
Bagamat nais aniya niyang lumago ang naturang teknolohiya, hindi naman dapat isantabi ang proteksyon ng mga investors.
Si Aquino ay mayroong pitong taong mandato bilang SEC Chairman.
—-