Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng bagong terminal sa Cebu International airport, kahapon.
Sa talumpati ng Pangulo, sinabi nito na siya ay bumilib sa disenyo ng naturang terminal at siguradong lalo umanong magpapa-unlad ng turismo sa Central Visayas.
“I was awed when I started to walk towards this place. Napaka-ganda ng airport ninyo. Inggit rin ako kasi matagal akong mayor sa Davao, 23 years. I suppose that I’d also like the Davaoeños to enjoy an airport as beautiful as what you have here. This will showcase the best of what the Philippines has to offer.” Pahayag ng Pangulong Duterte
Kasabay nito, binalaan naman ni Pangulong Duterte ang mga airport officials na siguraduhin ang kaligtasan ng lahat ng mananakay sa naturang paliparan hindi lamang sa banta ng terorismo gayundin sa mga kriminal na may pakana ng modus na laglag bala at pagnanakaw sa mga bagahe.
—-